^

PSN Palaro

Hapee, Cagayan pag-aagawan ang No. 1 spot

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

12 n.n. – MP Hotel vs Cebuana Lhuillier

2 p.m. –MJM Builders vs Jumbo Plastic

4 p.m. –Hapee vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Hapee Fresh Fighters at Caga­yan Valley Rising Suns ang unang puwesto, ha­bang ang ma­halagang ikaapat na puwesto ang pag-aagawan ng Cebuana Lhuillier Gems at Jumbo Plastic Giants sa pag­pasok sa pangalawa sa huling laro sa PBA D-League As­pirants’ Cup elimination sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Parehong wala pang talo ang Fresh Fighters at Rising Suns kaya’t tiyak na todo-bigay ang dalawa sa kanilang pagkikita na mapapanood sa huling laro sa triple-header ngayong alas-4 ng hapon.

May 10-0 baraha ang tropa ni coach Ronnie Magsa­noc at pagsisikapan ng nagbabalik na koponan sa ama­teur league na maipakitang angkop sa kanila ang pa­giging ‘team to beat’ sa ligang sinalihan ng 12 koponan kung makumpleto ang sweep sa single round elimination.

“Magandang challenge ito sa amin dahil may championship experience ang kalaban namin,” wika ni Magsanoc.

Magbabalik sa Cagayan ang head coach na si Alvin Pua matapos makumpleto ang three-game suspension na ipinataw sa kanya.

Bitbit ang 9-0 karta, makikilatis nang husto ang husay ng No. 1 pick sa rookie draft na si 6-foot-7 Moala Tautuaa dahil makakatapat niya ang isa ring higante sa katauhan ni 6’7 Nigerian center Ola Adeogun.

Makikiagaw ng atensyon ang Gems at Giants na pi­naglalabanan ang ikaapat na puwesto na magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Katunggali ng Cebuana ang MP Hotel Warriors sa alas-12 ng tanghali bago sundan ng pagtutuos ng Giants at MJM Builders sa alas-2.

Parehong may 6-4 baraha ang Gems at Giants at ma­kukuha ng Gems ang pinag-aagawang upuan kung mananalo sila at matatalo naman ang Giants.

Ngunit kung pareho silang magwawagi o matatalo, ang Giants ang makakakuha sa naturang puwesto dahil tinalo nila ang Cebuana sa kanilang pagtutuos. (ATan)

 

vuukle comment

ALVIN PUA

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE AS

FRESH FIGHTERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with