^

PSN Palaro

Game na!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Heto na ang pinakahihintay natin.

Mamayang gabi ay lalaruin sa Smart Araneta Coliseum ang Game 7 ng PBA Philippine Cup finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Alaska Milk.

Siguradong puno ang Big Dome mamaya. Kumbaga sa pelikula sa Metro Manila Filmfest, blockbuster at pila sa takilya.

Parang pelikula ito starring Ai-Ai delas Alas at si Bossing.

Exciting ang labanan ng San Miguel at Alaska. Maayos ang script. Magaling ang director. Kumpleto ang cast. May bida. May kontrabida.

Hindi ko na sasabihin kung sino ang kontrabida.

Maganda ang palitan ng San Miguel at Alaska. At nang umungos nga ang San Miguel sa serye ng 3-2, akala ng fans nila ay tapos na ang laban.

Dun sila nagkamali.

Bumangon ang Alaska sa Game 6 at sinugurong magkakaroon pa ng isang laro para malaman kung sino ang tatanghaling All-Filipino champion.

“See you on Wednesday,” wika ni Louie Alas, ang assistant coach ng Alaska, bago pa man inilaro ang Game 6. Kumpiyansa siya na hindi matatapos ang series nu’ng Linggo.

Kaya heto na nga tayo sa Game 7.

Dito na lalabas ang tunay na galing ng mga pla­yers. Kung gusto mong sumikat ay ito na ang panahon.

Aasahan natin ang bakbakan nina Arwind Santos at Calvin Abueva, June Mar Fajardo at Sonny Thoss, Alex Cabagnot at JVee Casio.

Kung sino ang matibay, siyang magwawagi.

Siguradong sa bawat sulok ng bansa ay madami ang magpupustahan. Tabla ang series, 3-3, kaya sa aking pananaw, walang llamado at walang dehado.

Nakapusta na rin ako pero friendly bet lang naman ito.

Bahala na si Pope.

ALASKA MILK

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

BIG DOME

CALVIN ABUEVA

JUNE MAR FAJARDO

LOUIE ALAS

METRO MANILA FILMFEST

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with