^

PSN Palaro

San Miguel, RoS nagpalit ng import

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan nang mag­hanap ng ibang import ang San Miguel.

Ito ay matapos makatanggap ng tawag si Arinze Onuaku mula sa isang NBA team matapos ang im­presibo niyang inilaro sa NBA D-League Showcase Cup.

Ngunit sinabi ng agent ni Onuaku na pag-aaralan muna nila ang alok ng naturang koponan sa NBA bago umatras sa paglalaro sa Beermen para sa dara­ting na PBA Commissio­ner’s Cup na magbubukas sa Enero 27.

Ang 27-anyos na si Onu­ako ay No. 1 sa Syracuse all-time list sa kanyang .648 field shooting at No. 11 sa blocks sa itinalang 148.

Nakapaglaro siya sa NBA para sa New Orleans Pe­licans at Cleveland Ca­valiers bago bumaba sa NBA D-League.

Samantala, kumuha ng ibang import ang Rain or Shine matapos bitawan si Kenny Adeleke.

Hinugot ng Elasto Pain­ters si Rich “Kareem” Jackson, isang undrafted pla­yer sa NBA Draft nang magkaroon ng lockout.

Ang 25-anyos na si Jackson ay naging kakampi ni Onuako sa Syracuse.

Ibabandera naman ng Globalport si Calvin “CJ” Les­lie, produkto ng North Ca­rolina State.

vuukle comment

ARINZE ONUAKU

CLEVELAND CA

D-LEAGUE SHOWCASE CUP

ELASTO PAIN

KENNY ADELEKE

NEW ORLEANS PE

NORTH CA

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with