Warriors tinambakan ang Nuggets ng 43 points; Mavericks sumandal kay Nowitzki laban sa Grizzlies
OAKLAND, Calif. – Pumirma si James Michael McAdoo ng isang 10-day contract noong Lunes ng umaga matapos hugutin mula sa NBA Development League.
Kinahapunan ay ipinagmalaki siya ng kanyang mga teammates at fans para sa kanyang debut game at panalo.
Ito ang klase ng season para sa Golden State Warriors - lahat ay nagsisikap at lahat ay nagbibigay ng kontribusyon.
Ang lahat ng 13 players sa active roster ay umiskor at nadulpika ng NBA-leading na Warriors ang kanilang franchise record na 16 sunod na panalo matapos ilampaso ang Denver Nuggets, 122-79.
''I told the guys after the game, 'I'm not taking this for granted,''' sabi ni Warriors coach Steve Kerr. ''This is so unique to have a group pull for each other that exhibits the selflessness where, from one night to the next, somebody isn't going to get a lot of points or a lot of shots. And it doesn't seem to bother them.''
Dinomina ng Warriors (33-6) ang Nuggets kaya lahat ng ipinasok na player ay nakaiskor.
Kumamada si Klay Thompson ng 22 points, habang nagtala si Stephen Curry ng 20 points at 8 assists at hindi naman nagpapigil ang kanilang mga reserves sa fourth quarter.
Kasama rito si McAdoo, kinuha ng Warriors mula sa kanilang D-League affiliate sa Santa Cruz.
Tumapos si McAdoo na may 11 points at 5 rebounds.
Ang panalo sa Denver ang nagbasura sa naunang 126-86 paggiba ng Golden State laban sa Philadelphia noong Disyembre 30 para sa pinakamalaking winning margin ngayong season.
Sa Memphis, tumipa si Dirk Nowitzki ng 21 points, kasama ang walo sa huling dalawang minuto, para tulungan ang Dallas Mavericks sa 103-95 panalo kontra sa Grizzlies.
Kinuha ng Grizzlies ang isang two-point lead sa huling 4 minuto ngunit kumamada ang Mavericks ng 14-4 ratsada para agawin ang panalo.
Nagsalpak si Nowitzki ng dalawang mid-range fadeaway jumpers, isang layup at dalawang free throws.
Sa Cleveland, umiskor si LeBron James ng 26 points at nagdagdag si J.R. Smith ng 20 para banderahan ang Cavaliers sa 108-94 panalo kontra sa Chicago Bulls.
Tumipa sina Jimmy Butler at Derrick Rose ng tig-20 markers para sa Bulls.
Muling naglaro ang Chicago nang wala si starting center Joakim Noah, kasalukuyang may sprained ankle, injury, sa ikatlong sunod na pagkakataon.
- Latest