Korver nagbida sa panalo ng Hawks
CHICAGO -- Tinitingnan ng Atlanta Hawks ang mga koponan sa Eastern Conference patungo sa second half ng season.
Mula sa kanilang mahusay na opensa at mabigat na depensa, maaaring bumandera si Kyle Korver at ang kanyang grupo.
Nagsalpak si Korver ng isang season-high na pitong 3-pointers para tumapos na may 24 points at igiya ang Hawks sa 107-99 panalo kontra sa Chicago Bulls .
Ito ang pang-12 sunod na arangkada ng Atlanta.
“I think we’re gaining confidence by the game,” wika ni Korver.
Nadagdag si Al Horford ng 22 points at 9 rebounds sa pagduplika ng Hawks sa ikalawang pinakamahabang winning streak sa franchise history.
Tumipa naman si Paul Millsap ng 16 markers, habang nagtala si guard Jeff Teague ng 17 points at 11 assists.
Nakamit ng Hawks (33-8) ang kanilang ika-26 panalo sa huli nilang 28 laro matapos ang 7-6 panimula sa season.
Umiskor si Korver ng 12 points mula sa 4-for-4 shooting sa 3-point range kung saan lumamang ang Atlanta ng 14 puntos patungo sa 48-39 kalamangan sa halftime.
Tumipa si Korver ng isang four-point play para sa 80-69 bentahe ng Hawks sa 11:09 minuto sa fourth quarter bago nagtuwang sina Horford at Millsap para ibaon ang Bulls sa 97-88 sa huling 3:29 minuto.
Kumamada si guard Derrick Rose ng 23 points, 10 assists at 8 rebounds sa panig ng Chicago (27-15).
Naipatalo ng Bulls ang lima sa kanilang huling pitong asignatura.
Nag-ambag si center Pau Gasol ng 22 points at 15 rebounds, samantalang may 15 markers si Jimmy Butler.
Sa Houston, nagpasabog sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-27 points at gumamit ang Golden State Warriors ng malaking ratsada sa third quarter para sa kanilang 131-106 paggupo sa Houston Rockets.
Bumangon ang Warriors mula sa kabiguan sa Oklahoma City Thunder noong Biyernes na pumigil sa kanilang eight-game winning streak.
Sa Memphis, tumipa si reserve point guard Beno Udrih ng dalawang krusyal na baskets para sa 102-98 panalo ng Grizzlies laban sa Portland Trail Blazers.
Ang ikalawang tirada ni Udrih sa natitirang 8.7 segundo ang sumelyo sa panalo ng Memphis.
Nagdagdag si Zach Randolph ng 20 points.
- Latest