^

PSN Palaro

Opinyon ng DoJ gusto nang makuha ng PSC ukol sa pagsasauli ng RMSC sa Lungsod ng Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinapanalangin ng PSC na makakatugon na ang De­partment of Justice sa hinihinging opinyon hinggil sa pag-alis ng mga Pambansang atleta sa Rizal Memorial Sports Complex.

Nangangailangan na ang ahensya ng opinyon dahil nasa kamay ng PSC ang kontrata na magbibigay ng pa­hintulot na okupahan ang 50-ektarya na pag-aari ng Clark International Airport Corporation (CIAC).

“May kopya na kami ng kontrata at nakasaad dito na ipinahihiram sa amin ang lupa sa loob ng 25 taon sa halagang P1 kada taon at renewable sa isa pang 25 years,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Itatakda anumang araw  ang lagdaan ng mga opis­ya­les ng PSC at CIAC ngunit hindi pa rin agad na makaka­kilos ang ahensya kung pagpapatayo ng pasilidad ang pag-uusapan.

Ito ay dahil wala pang desisyon ang DOJ na hiningian ng legal opinion kung may lalabaging batas ang PSC kung iiwan ang pamamahala sa sports complex.

Balak ng ahensya na isauli ang pamamahala sa May­nila kapalit ng P3.5 bilyon na gagamitin sa pagpapatayo ng mga pasilidad sa Clark.

“Nasa batas na ang PSC ang mamamahala sa Rizal Memorial Complex kaya ito ang hinihingian namin ng opi­nion sa DOJ para maging maayos ang lahat. Ang hu­ling komunikasyon ng DOJ ay pinag-aaralan pa nila itong mabuti para makapagpalabas ng tamang opinion,” dagdag ni Garcia.

Matagal nang itinutulak ng PSC at ng POC ang ma­ilipat ang mga pambansang atleta sa Complex dahil sobra na ang polusyon dito at hindi na angkop ang mga pasilidad na ginagamit para pagsanayan. (ATan)

BALAK

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT CORPORATION

GARCIA

IPINAPANALANGIN

PSC

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL COMPLEX

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with