^

PSN Palaro

PCKF aminadong mahihirapang masikwat ang 5 ginto sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa diskarte ng host Singapore, aminado ang Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) na mahihirapan sila sa naunang itinoka na hindi bababa sa limang ginto ang dapat na ibigay ng kanilang delegasyon sa SEA Games sa Hunyo.

Ang dragon boat team na nasa kanilang pangangalaga at siyang inaasahang hahakot ng maraming medalya, ay dadaan sa butas ng karayom dahil sa mga events na inilagay ng host country.

“Ten events ang paglalabanan sa dragon boat pero ang mga ito ay sa 10-seater at 6-seater gagawin. First time natin na sasali sa six-seater kaya mahihirapan tayo. Kaya ngayon pa lamang ay humihingi ako ng larawan ng mga bangkang gagamitin para makabili rin tayo at makapagsanay,” wika ni PCKF president Jonne Go.

Ang mga distansyang paglalabanan ay sa 250m, 500, at 1000m pero isa pang problemang kinakaharap ng asosasyon ay ang iskedyul ng laro ng dragon boat at canoe-kayak.

“Ang ginawa ng Singapore ay magkakasabay ang karera ng dragon boat at canoe-kayak. Ang mga panlaban natin sa dragon boat ay mga panlaban din sa canoe-kayak kaya maaapektuhan tayo nito. Kapag ganyan ang mangyayari, malamang na mamimili na lamang tayo ng events na sasalihan,” dagdag ni Go.

Ang mga pambato sa canoe-kayak na sina Hermie Macaranas at OJ Fuentes ay maaaring alisin sa dragon boat para pagtuunan ang mga laro sa canoe na kung saan may tsansa silang manalo sa 200m singles at doubles at 1000m doubles events.

Si Macaranas na kabilang sa Olympic Solidarity Prog­ram ng IOC, at si Fuentes ay ipadadala sa Hungary para magsanay upang mas maging palaban sa Singapore Games. (AT)

BOAT

FUENTES

HERMIE MACARANAS

JONNE GO

OLYMPIC SOLIDARITY PROG

PHILIPPINE CANOE-KAYAK FEDERATION

SI MACARANAS

SINGAPORE GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with