^

PSN Palaro

1973 Phl cage team pararangalan sa PSA Awards Night

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang higit sa apat na dekada mula sa kanilang makasaysayang kampanya noong 1973 FIBA-Asia Championship, tatanggapin ng Philippine men’s basketball team ang rekognisyon na kanilang nararapat makamit.

Nakatakdang ibigay sa koponang kinabibilangan nina living legends Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ang Lifetime Achievement Award mula sa Philippine Sportswri­ters Association (PSA) sa Annual Awards Night na inihahandog ng MILO sa susunod na buwan.

Ginabayan ng nama­yapa nang si coach Valentin ‘Tito’ Eduque, ang grupo ang huling ‘pure’ Filipino squad na nagkampeon sa biennial meet matapos magposte ng malinis na 10-0 record noong December 1-15, 1973 na idinaos sa Pilipinas. 

Pinabagsak ng mga Filipino ang Korea, nagbandera kay Shin Dong-pa, 90-78, para makakuha ng tiket patungo sa 1974 FIBA World Cup sa Puerto Rico.

 Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina William ‘Bogs’ Adornado, Abet Guidaben, Jimmy Mariano, Francis Arnaiz, Yoyong Martirez, Manny Paner, Joy Cleofas, Big Boy Reynoso, Rogelio ‘Tembong’ Melencio at Dave Regullano.

 Ang 1973 team ang siyang naging modelo ng Gilas Pilipinas sa pagsikwat sa silya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain makaraan ang runner-up finish sa 2013 FIBA-Asia meet.

Ang nasabing cage team ang pinakabagong pararangalan ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Noong nakaraang taon ang mga binigyan ng pagkilala sa annual rite na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Basketball Association (PBA), Globalport at Rain or Shine ay sina legendary basketball player Carlos ‘Caloy’ Loyzaga, dating International Olympic Committee (IOC) representative ng Pilipinas Francisco ‘Frank’ Elizalde at si one-time FIBA Asia secretary-general Mauricio ‘Moying’ Martelino. 

Makakasama ng 1973 PH men’s team na bibigyan ng award ay ang tatangha­ling Athlete of the Year na pag-aagawan ng tatlong sportsmen mula sa iba’t ibang sports disciplines.

 Ang mga nasa short list para sa Athlete of the Year award ay sina Daniel Caluag ng cycling, Donnie Nietes ng professional boxing at Gabriel Moreno ng archery.

Si Caluag ang nagbigay sa bansa ng nag-iisang gold medal sa Incheon 17th Asian Games sa BMX event ng cycling noong 2014.

Nalampasan naman ni Nietes ang record ng namayapang si Gabriel ‘Flash’ Elorde bilang pinakamatagal na Filipino world champion, habang si Moreno ang kumuha ng gintong medalya sa mixed team event ng archery sa Youth Olympic Games katambal si Li Jiaman ng China. 

Ang mga major awar­dees at citations ay ibibigay din sa mga atleta at orga­nisasyon na nagbigay ng karangalan sa bansa.

ABET GUIDABEN

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

BIG BOY REYNOSO

DANIEL CALUAG

DAVE REGULLANO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with