Unahang lumapit sa titulo Aces, Beermen bakbakan sa krusyal na game 5
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel vs Alaska (Game 5, Finals)
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Beermen sa Game Four na sila ang pinaka-dominanteng kopo-nan sa 2014-2015 PBA Philippine Cup.
“Siguro nakita natin why No. 1 ang San Miguel after the eliminations,” sabi ni Alaska head coach Alex Compton matapos ang kanilang 70-88 pagyuko noong Miyerkules na nagtabla sa kanilang best-of-seven championship series sa 2-2.
“Hindi bago sa amin ang mag-struggle sa opensa, but they were shooting the lights out. Credit their coach Leo and his staff. They had a great gameplan, great preparation,” dagdag pa nito.
Pag-aagawan ng Aces ni Compton at ng Beermen ni Austria ang krusyal na 3-2 abante sa kanilang serye sa muli nilang pagkikita sa Game Five ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos kunin ang 13-point lead sa first half ay pinalaki ng San Miguel ang kanilang kalamangan sa 29 puntos sa 55-26, sa 10:07 minuto sa third period.
Saglit na nakalapit ang Aces sa 17-point deficit ngunit hindi na kinayang ulitin ang kanilang mga come-from-behind win sa Game One at Game Three.
“I think the main reason is we were able to sustain our energy, keep our focus and play defense from start to finish,” wika ni Austria.
Bumandera si veteran guard Alex Cabagnot sa naturang pagresbak ng San Miguel sa Game Four mula sa kanyang 22 points, tampok dito ang apat na three-point shots.
Humakot naman si Best Player of the Conference June Mar Fajardo ng 11 points at 11 rebounds, habang kumolekta si Arwind Santos ng 11 points at 14 boards.
Tanging si small forward Calvin Abueva lamang ang umiskor sa double-figure para sa Alaska sa kanyang 22 points.
Ito naman ang u–nang pagkakataon sa kanyang four-year PBA career na hindi nakaiskor si Aces’ scoring guard JVee Casio.
“We got beat and you can write that with an exclamation point,” dagdag ni Compton.a
- Latest