Pacquiao OK sa deal, Mayweather wala pang tugon
MANILA, Philippines – Aprubado kay eight-division champion Manny Pacquiao ang deal sa bakbakan nila ni Floyd Mayweather Jr., at tanging ang pirma na lamang ng undefeated boxer ang hinihintay.
Kinumpirma ni Top Rank chief Bob Arum na wala nang problema kay Pacquiao ang May 2 na laban, kung saan kabilang sa kontrata ang 40-60 na hatian sa kikitain.
“Everything is agreed to. People need to understand that. Everything is agreed to by my guy (Pacquiao) and his (Mayweather's) representatives. Manny has signed off, now we are just waiting for the other side to deliver Mayweather,” wika ni Arum kay Brad Cooney ng Examiner.com.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na sumangayon si Pacquiao sa mga kondisyon ni Mayweather. Napurnada ang paghaharap ng dalawa sana sa ring matapos ayawan ng Filipino boxing sensation ang blood testing ilang oras bago ang laban.
Nagbago ang isip ni Pacquiao at sinangayunan ang blood testing ngunit umatras na si Mayweather sa laban.
“The people we have talked to on Mayweather's side have agreed to everything. Now we need Mayweather to step up and say, 'Yeah, I'm on board. I agree,'” pahayag naman ni Arum kay Kevin Iole ng Yahoo sports.
“I'm not trying to force anybody's hand, I'm just saying, 'Hey, we've agreed to everything, period.”
Tinatayang hindi bababa sa $120 milyon ang kikitain ni Mayweather kapag natuloy ang kanilang laban ni Pacquiao, pinakamalaki sa kanyang boxing career.
- Latest