^

PSN Palaro

May himala

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Hanga ako sa Alaska. Tambak na, nanalo pa.

Hindi mo naman puwedeng sabihing tsamba dahil sa best-of-seven finals ng PBA Philippine Cup ay dalawang beses na nila ito ginawa.

Hindi naman pipitsugin ang kalaban.

San Miguel. Sa Game 1, humabol ang Alaska mula sa 22 points. At sa Game 3 naman nung Linggo, humabol naman ito mula sa 21 points.

Lamang na ang Alaska sa serye, 2-1. Game 2 ang ipinanalo ng San Miguel, 100-86.

Kataka-taka talaga kung paano nakakahabol ang Alaska.

Depensa raw. Pero hindi lang sa depensa ‘yan.

Mas gusto ko sigurong tanungin ang San Miguel kung paano nila nakukuhang itapon ang napakalaking kalamangan.

Baka may agimat si Calvin Abueva na kapag lumamang na ng mahigit bente puntos ang San Miguel ay isusubo na niya ang mahiwagang bato.

Walang makapagsabi. “I have no idea,” wika ni Alex Compton, ang head coach ng Alaska na litung-lito na rin siguro kung paano nila nagagawa ito.

Wala naman maisagot si Leo Austria ng San Miguel kundi panay naman daw ang paalala niya sa mga pla­yers niya kung ano ang dapat gawin.

Palaging mainit sa simula ang San Miguel. Sa Game 3, lumamang sila ng 21 sa third quarter na nagtapos sa 64-46.

Hindi pa ba sapat na kalamangan ang 18 puntos sa simula ng fourth quarter? Kung baga sa pustahan ay plus-18 na ang kalaban.

Pero dahan-dahan itong tinapyas ng Alaska.

Nataranta ang Beermen.

Nanalo ang Alaska.

Lalaruin ang Game 4 ngayong gabi sa Araneta Co­liseum at tingnan natin kung ano naman ang kala­la­basan nito.

Panibagong himala?

vuukle comment

ALASKA

ALEX COMPTON

ARANETA CO

CALVIN ABUEVA

LEO AUSTRIA

NAMAN

PERO

SA GAME

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with