^

PSN Palaro

Abueva, iba pang players, officials pinagmulta ng PBA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, naging matalim ang mga mata ni PBA Commissioner Chito Salud kaugnay sa ilang maaksyong pangyayari sa Game Two ng 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals noong nakaraang Biyernes.

Kabuuang P64,600 ang multang ipinataw ng PBA Commissioner’s Office sa mga players at officials ng San Miguel at Alaska.

Si Aces’ small forward Calvin Abueva ay pinagba­yad ng kabuuang P15,600.

Ito ay sa P10,000 hinggil sa kanyang flagrant foul penalty 1 at P1,000 sa pag-trash talk niya kay Beermen star forward Arwind Santos, habang ang P3,000 ay sa kanyang flopping at ang P1,600 ay mula sa second motion technical foul kay Chris Ross.

Binagsakan ni Abueva ng kanyang siko si Santos matapos ang kanyang tira sa third period na nagresulta sa putok sa ulo ng PBA Most Valuable Player.

Si Santos ay pinagmulta ng P1,000 ukol sa kanyang pakikipag-trash talk kay Abueva na kapwa niya tubong Pampanga.

Si Alaska assistant coach Louie Alas ang na­kati­kim ng pinakamalaking multa sa halagang P20,000 dahil sa ginawa niyang panunuhod sa isang referee.

Dahil sa kanyang paninikmura kay Abueva sa first half ay pinagbayad si Ronald Tubid ng P10,000 at P3,000 dahil sa flopping.

Sina Dondon Hontiveros at rookie David Semerad ay kapwa pinagmulta ng tig-P5,000 dahil sa kanilang double foul. Si Vic Manuel ay pinagbayad ng P5,000 bunga ng flagrant foul pe­nalty 1 nito kay Semerad.

ABUEVA

ARWIND SANTOS

CALVIN ABUEVA

CHRIS ROSS

COMMISSIONER CHITO SALUD

DAVID SEMERAD

GAME TWO

LOUIE ALAS

MOST VALUABLE PLAYER

PHILIPPINE CUP FINALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with