^

PSN Palaro

Perpetual Junior Altas pasok sa championship round ng NCAA volleyball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inangkin ng Perpetual Help ang unang finals tic­ket makaraang gibain ang eli­mination round leader na Lyceum, 25-18, 25-16, 25-19, sa juniors division ng 90th NCAA volleyball tour­nament sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Humataw sina Ricky Marcos at Malden Dildil ng 15 at 14 hits, kasama rito ang 14 at 12 sa attacks, ayon sa pagkakasunod, pa­ra sa ikalawang sunod na panalo ng Junior Altas sa semifinals kasabay ng pagbulsa sa unang silya sa best-of-three championship round.

Nakatakda ang championship series sa Miyer­kules.

Puntirya ng Perpe­tual ang una nilang titulo ma­tapos ang back-to-back championships noong 2010 at 2011 at pang-pito sa kabuuan para lumapit sa 15 ng San Sebastian.

Nauna nang tinalo ng Las Piñas-based spikers ang Emilio Aguinaldo College, 25-18, 23-25, 25-21, 25-20, noong nakaraang Mi­yerkules.

Bunga ng matibay na de­pensa ng Junior Altas ay walang Junior Pirates na na­kaiskor sa double digits.

May 9 points lamang si skipper Jomaru Amagan pa­ra pangunahan ang Ly­ce­um.

Ito ang unang pagka­talo ng Junior Pirates ngayong season matapos maglista ng eight-game winning streak kasama ang 21-25, 25-22, 25-22, 28-26 panalo la­ban sa San Sebastian Stag­lets noong nakaraang Mi­yerkules.

Ginantihan ng Perpe­tual ang Lyceum na tumalo sa kanila, 16-25, 26-28, 25-14, 22-25, noong Nov. 25.

Dahil sa kanilang pag­mar­tsa sa finals ay isa nang ‘no bearing’ ang laro ng Junior Altas laban sa Stag­lets sa Lunes.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOMARU AMAGAN

JUNIOR ALTAS

JUNIOR PIRATES

LAS PI

MALDEN DILDIL

PERPETUAL HELP

RICKY MARCOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with