^

PSN Palaro

Galedo magdedepensa sa 6th Le Tour

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pinakamabilis na siklista ang siyang magkakampeon sa 6th Le Tour de Filipinas.

Ito ang opinyon ni indi­vidual champion Mark Ga­ledo kaugnay sa natu­rang cycling event na pakaka­walan sa Pebrero 1-4.

“Sa tingin ko mas magi­ging matulin ang karera nga­yon,” wika ni Galedo, ka­katawan para sa Philippine team, sa press launch ng Le Tour, may basbas ng UCI (Union Cycliste In­ternationale), kahapon sa Ma­nila Hotel.

Idinagdag pa ni Galedo na madedetermina na kaagad sa Stage One kung sinu-sino ang maglalaban sa Finals.

Magsisimula ang natu­rang four-day road spectacle na may total distance na 530.09 kilometro sa isang 126-km “Balanga Circuit Race” sa Balanga, Bataan.  

Mula sa Balanga ay sa­sabak ang mga siklista sa isang 153.75-km ride pa­tungong Iba, Zambales para sa Stage Two kasu­nod ang 149.34 km race pa­­puntang Lingayen, Panga­sinan para sa Stage Three.

Sa Stage Four ay mag-uunahan ang mga riders sa 101-km climb sa Baguio via Kennon Road.

“Last year, masyadong technical ang labanan,” ani Galedo, sa ruta noong 2014 na bumagtas sa Cordilleras mula sa Kayapa, Nueva Vizcaya hanggang Ba­guio. “Pero ngayon, hindi gaano kataas ang ahunan kaya maraming atake at ba­natan na mangyayari sa patag pa lamang.”

Sasabak din sa karera sina 2011 Iranian champion Rahim Emami ng Pishga­man Yzad Pro Cycling Team at si Ghader Mizbani, ang 2013 edition winner, pa­ra sa Petrochemical Team.

vuukle comment

BALANGA

BALANGA CIRCUIT RACE

GALEDO

GHADER MIZBANI

KENNON ROAD

LE TOUR

MARK GA

NUEVA VIZCAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with