^

PSN Palaro

Cagayan sumosyo sa Hapee sa liderato

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(JCSGO Gym, Cubao Quezon City)

12 nn – Café France vs AMA

2 p.m. – MJM vs MP Hotel

4 p.m. – Wangs vs Cebuana Lhuillier

 

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Cagayan Valley ang ma­lakas na panimula tungo sa 81-74 panalo sa Tanduay Light  Rhum upang makisosyo sa liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Umarangkada agad ang Rising Suns sa 30-12 panimula at pinasiklab ito ni Adrian Celada na naghatid ng 8 puntos, kasama ang dalawang triples.

Mula rito ay hindi na nakabawi ang Rhum Masters tungo sa pagsubi ng ika-si­yam na diretsong panalo ng Cagayan na siya ring karta ng pahingang Hapee.

Wala namang masamang epekto ang 20 araw na pahinga ng Café France Ba­kers nang kunin ang 67-62 overtime win laban sa Cebuana Lhuillier Gems na nangyari ma­tapos ang 97-94 panalo sa extension ng Bread Story-LPU Pirates sa Wangs Basketball Couriers sa naunang dalawang laro.

May 16 puntos si Maverick Ahanmisi at lima rito ay ginawa sa overtime para takasan ang Gems.

May 7-2 baraha ang tropa ni coach Ed­gar Macaraya para selyuhan ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Bumaba ang Cebuana sa 4-4 at kaila­ngang maipanalo ang huling tatlong laro pa­ra sa insentibo.

ADRIAN CELADA

BREAD STORY

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CUBAO QUEZON CITY

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with