^

PSN Palaro

Alaska niresbakan ang San Miguel sa overtime

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sumuko ang Aces sa kabila ng pagkakatambak sa kanila ng Beermen sa 22 puntos sa first period at 13 puntos sa third quarter.

Niresbakan ng Alaska ang San Miguel matapos aga­win ang 88-82 panalo sa overtime sa Game One ng kanilang title series para sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We had a bad a start,” sabi ni coach Alex Compton. “Credit goes to San Miguel. We really came out flat pa­rang kami ang galing sa layoff.”

Kumamada sina JVee Casio at Dondon Hontiveros ng magkasunod na three-point shot para sa 82-76 kalamangan ng Aces sa huling 2:21 ng extension.

Nauna nang ipinoste ng Beermen ang isang 22-point lead, 27-5, sa opening quarter.

Matapos kunin ng San Miguel ang 45-31 abante sa third period ay naagaw naman ng Alaska ang unahan sa 65-62 sa 6:17 minuto ng fourth quarter bago nauwi sa extension ang laro sa 74-74.

Nagtala si small forward Calvin Abueva ng 22 points at 10 rebounds para banderahan ang Aces.

Samantala, kinuha ng Barako Bull si  7-foot-1 Nigerian big man Solomon Alabi bilang reinforcement para sa da­rating na PBA Commissioner’s Cup.

Ang 26-anyos na si Alabi ay naglaro sa Florida State University at napilig bilang 50th overall ng Dallas Mave­ricks noong 2010 NBA Draft.

Siya ay nai-trade sa Toronto Raptors sa naturang season bago ibinaba sa Erie Bayhawks sa NBA D-League.

Tinapos ng Barako Bull ang Philippine Cup bilang ninth-placer.

Ang Energy, Kia Sorento, Blackwater Elite at NLEX Road Warriors ay binigyan ng karapatang kumuha ng mga imports na may unlimited height para sa Commissioner’s Cup na may height limit na 6’9 sa hanay ng walo pang koponan.

Ipaparada ng San Miguel si Arinze Onuako, nabigyan ng maiikling kontrata ng New Orleans Pelicans, Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers.

Plano namang ibalik ng Alaska si 2013 Best Import Rob Dozier, habang gusto muling makuha ng Rain or Shine si Wayne Chism at si Denzel Bowles para sa nagdedepensang Purefoods.

Maliban sa karangalang makapaglaro sa cham­pionshiop series ng 2014-2015 PBA Philippine Cup ay nakamit rin nina Austria at Compton ang pagkakataong umupo sa bench ng dalawang koponang magtutuos sa 2015 PBA All-Star Game na tampok sa annual all-star festivities.

Winalis ng Beermen ni Austria ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 4-0, habang tinalo ng Aces ni Compton ang Rain or Shine Elasto Painters, 4-2, sa kani-kanilang best-of-seven semifinals series para itakda ang kanilang titular showdown.

Sina Austria at Compton ang gagabay sa North at South teams sa PBA All-Star Game na nakatakda sa Marso 5-8 sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Inaasahang lalahok si boxing icon at Kia playing coach Manny Pacquiao sa All-Star Weekend sa Palawan kung saan kasalukuyang Governor si Columbian Autocar Corp. boss Jose Alvarez. (Russell Cadayona)

Alaska 88 - Abueva 22, Banchero 16, Hontiveros 15, Casio 13, Manuel 7, Baguio 4, Exciminiano 4, Jazul 4, Dela Cruz 2, Thoss 1, Eman 0, Dela Rosa 0, Espinas 0, Menk 0.

San Miguel 82 - Lutz 24, Fajardo 14, Santos 12, Pascual 10, Cabagnot 6, Omolon 4, Semerad 4, Lassiter 3, Ross 2, Kramer 2, Tubid 1, Maierhofer 0, Fortuna 0, Chua 0.

Quarterscores: 5-27; 31-45; 49-54; 74-74; 88-82 (OT).

ALEX COMPTON

ALL-STAR GAME

ALL-STAR WEEKEND

ANG ENERGY

BARAKO BULL

BEERMEN

COMPTON

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with