^

PSN Palaro

Garcia suportado ang POC sa SEAG isyu

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia ang mga miyembro ng SEA Games Federation na mag-usap at tingnan ang patakaran ng kanilang grupo.

“Because things are getting out of hand already,” wika ni Garcia sa usapin hinggil sa paglilista at pamamahala sa mga sports at events ng biennial meet.

Sinuportahan ni Garcia ang mungkahi ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na imbita­han ang mga miyembro ng SEA Games Federation para sa isang pulong.

Umaasa si Cojuangco na makakakuha siya ng aten­syon sa kanyang mga kapwa miyembro para ayusin ang officiating at ang paghahanay ng mga events sa SEA Games.

“The POC has the authority to call for a meeting among the members of the federation and for all of them to look at the sports being played in the SEA Games,” pahayag pa ng PSC chairman.

“It changes quite too often. Pabagu-bago. And sometimes people (other members) don’t realize that certain events have already been scratched,” dagdag pa nito.

Sa 2015 SEA Games sa Singapore sa Hunyo ay kabuuang 402 gold medals ang pag-aagawan sa 36 sports.

Matagal nang nangyayari na ang host country ng SEA Games ang naglalagay ng maraming gold medals sa mga traditional at indigenous sports.

Maaari ring alisin ng host country ang mga events kung saan sila mahina.

Noong 2013 SEA Games ay hindi isinama ang mga Olympic sports kagaya ng gymnastics, tennis at beach volleyball, habang ipinasok naman ang vovinam, kempo at chinlone.

Ito ang nagbigay sa host countries ng bentahe sa medals race.

Sinabi ni Cojuangco na dapat magkaroon ang SEA Games ng isang fixed calendar of events o listahan ng mga mandatory sports, partikular na ang mga Olympic sports.

“Minsan hindi pa nagsisimula ang laban talo na tayo, ani Garcia.

COJUANGCO

GAMES

GAMES FEDERATION

GARCIA

JOSE COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SEA

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with