^

PSN Palaro

Sports Science Seminar buwenamano ng PSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang taong 2015 sa pamamagitan ng pagdaraos ng Sports Science Seminar sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang proyekto ay karug­tong sa idinaos na mga sports science seminar mula 2013 at nakapagdaos na ng limang magkakaibang session gamit ang mga banyagang speakers para ipaliwanag sa mga national coaches at iba pang nais na matuto ng mga bagong sistema sa aspetong ito.

Magbabalik sa bansa si Terry Rowles at makaka­sama niya sa Series 6 at 7 si Dr. Scott Lynn at ito ay gagawin mula Enero 12 hanggang 14.

“Nakita ng PSC na nararapat na simulan ang taong 2015 sa pamamagitan ng sports seminars na ito lalo pa’t magsisimula uli ang pagsasanay ng mga atleta para sa mga kompetisyong sasalihan,” pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia.

“Ang mga matututunan sa seminars na ito ay makakatulong para lu­ma­lim ang kaalaman ng mga coaches na dadalo,” dagdag pa ni  Garcia.

Si Lynn ay nagtapos ng BSc/BPHE,MSc at PhD (Biomechanics) degrees sa Queen’s University sa Kingston, Ontario, Cana­da at sumailalim pa sa post-doctoral fellowship sa University of Waterloo sa Waterloo, ON, Canada.

Isa na siyang associate professor sa Kinesiology sa California State University at nagsasagawa rin ng sariling research para palawigin ang kaalaman sa biomechanics.

Si Rowles ay dumating sa bansa noong Mayo at nakasama si Ali Gilbert sa seminar.

Isa siyang advisory board member ng Sports Performance University at may post graduate certificate sa Neuro Linguistic Programming na magagamit para sa mental toughness ng mga atleta. (AT)

ALI GILBERT

CALIFORNIA STATE UNIVERSITY

DR. SCOTT LYNN

ISA

NEURO LINGUISTIC PROGRAMMING

PASIG CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILSPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with