^

PSN Palaro

Arum, ABS-CBN niluluto ang laban ni Donaire sa Pinas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May posibilidad na lu­ma­ban si Nonito Donaire Jr. sa Pilipinas sa taong ito.

Ayon kay Bob Arum ng Top Rank, may plano ang local network ABS-CBN na isama si Donaire sa bubu­uing fight card sa Marso at kung matuloy ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang tinaguriang “Filipino Flash” na maipakita ang galing sa harap ng mga ka­babayan sa ikalawang pagkakataon lamang sa makulay na boxing career.

Noong Abril 19, 2004 unang lumaban si Donaire sa Pilipinas at ginawa ito sa Araneta Coliseum at nanalo sa pamamagitan ng fourth round knockout kontra kay Raul Martinez tungo sa matagumpay na pagdepensa sa dating pag-aari na IBF at IBO flyweight titles.

Mahalaga para kay Donaire ang manalo sa unang laban para ianunsyo ang pagbangon mula sa sixth round technical knockout na pagkatalo kay Nicholas Walters noong Oktubre 18 para mahubad ang hawak na WBA Super World featherweight crown.

“There is a plan by network ABS-CBN for Donaire to fight in Manila in March,” pahayag ni Arum sa Boxing Voice.

Sakaling hindi matuloy ito ay sa Mayo na babalik ng ring ang 32-anyos at  four-division champion na  mayroong 33-3 panalo-talo baraha.

“If it’s not going to happen, the back-up plan is for Nonito to fight in Macau in May. He is popular in Macau and he can go to the May card,” dagdag ni Arum.

Bababa si Donaire sa super bantamweight division pero hindi pa batid ni Arum kung sino ang puwe­deng makaharap nito sa kanyang pagbabalik dahil hindi pa sila nag-uusap sa bagay na ito.

ARANETA COLISEUM

BOB ARUM

BOXING VOICE

DONAIRE

FILIPINO FLASH

MACAU

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE JR.

NOONG ABRIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with