^

PSN Palaro

Fernandez binigyan ang Road Warriors ng magandang pagtatapos sa PBA D-League

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit ng NLEX Road Warriors ang 2014 PBA D-League para maibalik ang magandang reputasyon sa koponan na kanilang naging tungtungan sa pag-akyat sa Philippine Basketball Association (PBA).

Si Boyet Fernandez pa rin ang dumiskarte sa koponan at nagawa niyang ibangon ang Road Warriors mula sa pagkatalo sa Blackwater Sports Elite sa Foundation Cup sa pagta­tapos ng 2013.

Nagkaroon ng pagkakataon na mabalikan ng Road Warriors ang Elite nang nagkrus uli ang ka­nilang landas sa finals ng Foundation Cup at tunay na nakita ang galit  ng bataan ni Fernandez nang walisin ang kanilang best-of-three series sa 90-77 at 81-78 iskor.

“This championship is a lot sweeter because we swept the team that beat us two conferences ago,” bulalas ni Fernandez.

Ito na ang huling confe­rence ng NLEX at makulay ang kanilang pamamaalam dahil hindi sila natalo matapos ang 13 laro.

Ito rin ang ikaanim na titulo ng NLEX sa pitong finals appearance, markang iiwan ng koponan na dapat higitan ng ibang teams na gustong makilala bilang pinakamahusay sa ligang itinataguyod ng PBA.

Bago ito ay kinuha ng NLEX ang core players ng San Beda Red Lions sa pangunguna nina Ola Adeogun, Baser Amer at Kyle Pascual para isama sa mga datihan at Cadets pool members Kevin Alas, Matt Ganuelas at Garvo Lanete bukod pa sa mga kamador tulad ni Ronald Pascual at defensive player Kirk Long.

Sa Aspirants’ Cup ay napahanga agad ng kopo­nan ang mga panatiko nang kunin ang liderato sa pagtatapos ng elimination round at umabante agad sa semifinals.

Tinuhog nila ang Hog’s Breath Café, 85-72, para makarating sa best-of-three finals laban sa Big Chill Superchargers na tinalo ang Elite, 89-78, sa deci­ding Game Three sa kanilang semifinals series.

Ngunit laban sa Road Warriors ay hindi umubra ang lakas ng Big Chill sa pangunguna ng beteranong sentro na si Reil Cervantes upang lasapin ang 79-75 at 88-70 pagkatalo.

“Redemption ang ha­nap namin this year at masaya ako at nagawa namin ito,” ani Fernandez.

 

BASER AMER

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS ELITE

BREATH CAF

FERNANDEZ

FOUNDATION CUP

GAME THREE

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with