^

PSN Palaro

NLEX ex-NBA player ang ipaparada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sadyang seryoso ang NLEX para sa kanilang kampanya sa darating na 2014-2015 PBA Commissioner’s Cup.

Kinuha ng Road Warriors si dating NBA All-Rookie First Team awardee Al Thornton bilang import sa second conference.

Makakaliskisan ng NLEX si Thornton, ang 2007 NBA draft No. 14 pick, sa kanilang pagsabak sa isang Dubai international tournament sa Enero 14 hanggang 25.

Naglaro ang 6-foot-11 na si Thornton sa NBA para sa mga koponan ng Los Angeles Clippers, Wa­shington Wizards at Golden State Warriors.

Sa kanyang rookie year sa NBA ay nagposte siya ng mga averages na 12.7 points, 4.5 rebounds at 1.2 assists at nakasama sa All-Rookie First Team sina Kevin Durant, Al Horford, Luis Scola at Jeff Green.

Inaasahang mas magiging malakas ang frontline ng Road Warriors sa pagtambal ni Thornton kay 6’9 Fil-Tongan Asi Taulava.

Samantala, sinasabing nag-aagawan ang Globalport at ang nagdedepensang Purefoods Star sa serbisyo ni Derrick Caracter.

Pursigido naman ang Kia at Blackwater na makuha sina dating Puerto Rican national player PJ Ramos at dating ABL standout reinforcement Chris Charles, ayon sa pag­kakasunod.

Kaugnay sa Batang Pier, dinala ng koponan si guard Sol Mercado sa Barako Bull Energy para mahugot si Denok Miranda.

Nanggaling muna si Mercado sa San Miguel na nagbalik sa kanya sa Globalport para mabawi si Alex Cabagnot.

Ang Globalport ang magiging pang-limang PBA team ni Miranda matapos maglaro para sa Coca-Cola, Sta. Lucia Realty, San Miguel Beer at Barako Bull.

 

AL HORFORD

AL THORNTON

ALEX CABAGNOT

ALL-ROOKIE FIRST TEAM

ANG GLOBALPORT

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

ROAD WARRIORS

THORNTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with