Beal isinalba ang Wizards
HOUSTON -- Halos walang tigil ang pag-atake sa kanyang koponan, ginawa ni Bradley Beal ang kanyang nararapat gawin-- naglaro siya nang may kumpiyansa.
Umiskor si Beal ng season-high 33 points, kasama ang anim na free throws sa huling dalawang minuto, para iligtas ang Washington Wizards laban sa Rockets, 104-103.
“I was just being aggressive, taking what the defense gave me,’’ wika ni Beal, tumipa ng 5-for-9 shooting sa 3-point range.
Nagdagdag si Paul Pierce ng 21 points, habang naglista si John Wall ng 13 markers at game-high 12 assists para sa ikatlong sunod na panalo ng Wizards.
Pinaganda ng Washington ang kanilang record sa 22-8 para pantayan ang kanilang best start matapos ang 30 laro sa franchise history.
Huli nila itong inilista noong 1974-75 season.
Umiskor naman si James Harden ng 33 points, kasama ang siyam sa huling 20 segundo, kasunod ang 15 ni Corey Brewer .
Ito ang ikatlong dikit na kamalasan ng Rockets (21-9).
Tumapos si Trevor Ariza, hinarap ang kanyang dating koponan matapos lumipat sa Houston sa off season, na may15 points at 5 rebounds.
Sa Miami, tumipa si Nikola Vucevic ng 26 points, habang humugot si Victor Oladipo ng pito sa kanyang 22 points sa dulo ng fourth quarter para igiya ang Orlando Magic sa 102-101 panalo laban sa Heat.
Itinabla ni Oladipo ang laro mula sa kanyang layup at nagsalpak ng free throw para iangat ang Magic at talunin ang Miami matapos ang 11 kabiguan.
Nagtala si Tobias Harris ng 18 markers kasunod ang 13 ni Channing Frye.
Umiskor naman si Dwyane Wade ng 25 points sa panig ng Heat na natalo sa 12 sa kanilang 18 laro sa Miami.
Sa Indianapolis, nagtumpok si Jimmy Butler ng 27 points at 9 rebounds para tulungan ang Chicago Bulls sa 92-90 panalo laban sa Indiana Pacers.
Nagdagdag si Pau Gasol ng 20 points at may 17 si Derrick Rose para sa Bulls (22-9) na nakuha ang kanilang pang-pitong sunod na panalo.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Milwaukee ang Charlote, 104-94 at pinatumba ng Brooklyn ang Sacramento, 107-99.
- Latest