5th Stags Run kasado na sa Jan. 25
MANILA, Philippines – Isasagawa sa Enero 25 ang 5th Stags Run na itinataguyod ng San Sebastian College-Recoletos Manila.
Sa Rajah Sulayman sa Baywalk, Roxas Boulevard gagawin ang patakbo at ang mga distansyang paglalabanan ay sa 3k, 5k at 10k.
Hangad ng organizers ang mahigitan ang naitalang bilang ng lumahok noong 2014 para lumaki rin ang perang malilikom na itutulong sa mga nabiktima ng Ebola virus sa Africa.
“We intend to match, if not surpass, the more than 4,000 participants who attended in 2014. This way, we shall be able to sustain the implementation of our pastoral ministry and missions. We also expect that this edition will be more fun as we are having our very first color run,” wika ni Rev. Fr. Joel Alve, OAR, at vice president for student welfare ng San Sebastian at overall chairman sa patakbo.
“I’m calling for the participation of the school community, friends and alumni to again make this event a meaningful and successful one,” dagdag pa ni Alve.
Ang kaganapan ay bahagi rin ng 74th Founding anniversary ng paaralan na iseselebra mula Enero 20 hanggang 25 at ang tema ay “Fruits of Greatness: The Manifestations of Love are the Threshold of Wisdom.”
Taong 2011 sinimulan ang Stags Run at nagpatuloy ito sa mga sumunod na taon at nakatulong sa mga charitable missions ng Order of Augustinian Recollects (OAR).
Para sa ibang detalya, maaaring tawagan ang numerong 734-8931 hanggang 39 local 174 at hanapin sina Ms. Annalissa Yanquiling o si Mr. Joselito Gando.
- Latest