^

PSN Palaro

POC kukuha ng foreign coaches para palakasin ang tsansa ng Pinas sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat pag-isipan ng mga National Sports Asso­ciations (NSAs) na kasali sa 2015 SEA Games sa Singapore ang pagkuha ng mga foreign coaches para gumanda ang tsansang manalo.

“We are not belittling the capabilities of our local coaches but from time to time, we must consider inviting foreign coaches,” wika ni POC president Jose Cojuangco Jr.

Tinuran pa ni Cojuangco na tunay na mahuhusay din ang mga local coaches pero dapat na matutunan din ng mga ito ang makabagong pamamaraan o pagdiskarte na makukuha lamang kung papasok ang mga dayuhang coaches.

Magandang halimbawa ay ang nangyari kay  Mansueto “Onyok” Velasco noong 1996 Atlanta Olympics.

Nanalo si Velasco ng pilak na medalya sa boxing at nasa kanyang tabi ang Cuban coach na si Raul Liranza.

Bukas ang PSC sa kagustuhan ng POC na kumuha ng foreign coaches ngunit gagawin ito sa limitadong panahon lamang.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, puwedeng papuntahin ang mga dayuhang coaches sa loob ng tatlo o apat na buwan para may mapulot ang mga national coaches.

“The PSC has agreed that we will get foreign coa­ches for every NSA that will participate in the SEA Games for a period of three to four months. We can pick up some of the latest technique or those we haven’t learned yet. That will be part of our program for the coming SEA Games,” ani Garcia.

Tututukan din ng POC at PSC ang mga atletang walang ‘Godfather’ para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang mga sports na may tagapagtaguyod ay ipapa­ubaya na sa kanila ang pagdiskarte tulad ng boxing at basketball na suportado ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan. (AC)

ATLANTA OLYMPICS

COACHES

JOSE COJUANGCO JR.

MANNY V

NATIONAL SPORTS ASSO

RAUL LIRANZA

RICARDO GARCIA

VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with