^

PSN Palaro

3 title fights nakalinya sa Elorde boxingfest

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itataya ni Rex “Igorot Warrior” Wao ang kanyang WBC international bantamweight title laban sa dating one-time world challenger na si Silvestre Lopez sa isa sa tatlong title fights na handog ni Gabriel “Bebot” Elorde bukas ng gabi sa The Flash Grand Ballroom sa Elorde Sports Center, Parañaque City.

Sasalang din ang da­ting WBC international bantamweight na si Denis Tubieron kontra kay Carlo Magali para sa bakanteng WBC international featherweight title habang idedepensa ni Tosho Aoki ng Japan ang kanyang IBF Australian lightweight title kontra kay Rengga Rengga ng Jakarta, Indonesia.

Magpapainit sa tatlong title fights na ito na handog  ng Elorde International Production ay ang pagkikita nina Rolly Sumalpong ng Elorde Stable laban kay Michael Landero ng Wild Card Gym sa isang 10-rounder.

Hindi pa natatalo ang 24-anyos na si Wao matapos ang 10 laban at walo rito ay kanyang pinatulog para ipakita ang bangis ng magkabilang kamao.

Unang pagdepensa rin ito ni Wao sa kanyang titulo na napanalunan matapos talunin sa pamamagitan ng seventh round knockout si Virden Rivera noong Hunyo 25.

Makikilatis ang lakas ni Wao dahil si Lopez ay beterano ng 33 laban at mayroong 22 panalo bukod sa 16 KO.

Masidhi ang hangarin ni Lopez na manalo para makabangon sa dalawang mapapait na pagkatalo na nalasap ngayong taon sa mga dayuhang sina Alexis Boureima Kabore ng Bukina, Faso at Rey Vargas ng Mexico para WBC International super bantamweight title at WBC Youth Silver super bantamweight title noong Setyembre at Nobyembre.

vuukle comment

ALEXIS BOUREIMA KABORE

CARLO MAGALI

DENIS TUBIERON

ELORDE INTERNATIONAL PRODUCTION

ELORDE SPORTS CENTER

ELORDE STABLE

FLASH GRAND BALLROOM

IGOROT WARRIOR

LOPEZ

WAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with