Wade hiniya ang pagbabalik ni James sa Miami
MIAMI-- Kabiguan ang ipinatikim ng Heat sa nagbabalik na si LeBron James at sa Cleveland Cavaliers.
Humugot si Wade ng 24 sa kanyang 31 points sa first half, habang nagdagdag si Luol Deng ng 25 points para pangunahan ang Heat sa 101-91 panalo laban sa Cavaliers sa kanilang Christmas matchup.
Bago ang laro ay nagyakap muna ang magkaibigang sina Wade at James.
“We didn’t have a bad breakup,” wika ni Wade. “We played against each other for seven years, man. The weirdness just wasn’t there. It wasn’t like we played against each other our whole career and the breakup happened. We played against each other for seven years, then with each other for a period of time, then he went back to the same situation and I’m in the same place.”
Nang dumating si James, nagbalik sa Cleveland sa offseason matapos ang apat na seasons at dalawang NBA titles sa Heat, at ang Cavaliers sa South Florida noong Miyerkules, nagtungo ang four-time NBA MVP sa bahay ni Wade.
Ipagdiriwang ni James ang kanyang ika-30 kaarawan ngayon at may ilang katanungan siya sa 32-anyos na si Wade kung ano ang mga pagbabago sa naturang edad.
Ito ang kanilang pinag-usapan at hindi ang sinasabing pagiging title contender ng Cavaliers.
Nagposte si James na may 30 points at 8 assists para sa Cavaliers, habang may 25 points si Kyrie Irving at 14 si Kevin Love.
Lumamang ang Miami ng 17 points at naiwanan ng Cleveland sa fourth quarter bago muling makuha ang kalamangan para selyuhan ang kanilang panalo.
Naglaro ang Heat nang wala si Chris Bosh na may calf injury.
Sa iba pang laro, tinalo ng Washington ang New York, 102-91; pinabagsak ng Oklahoma City ang San Antonio, 114-106; dinaig ng Chicago ang LA Lakers, 113-93’ at pinayukod ng LA Clippers ang Golden State Warriors, 100-86.
- Latest