^

PSN Palaro

Reyes No. 4 sa paramihan ng kinita

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naipakita ni Efren “Bata” Reyes na sa edad na 60-an­yos ay taglay pa rin niya ang husay sa pagtumbok nang nalagay siya sa ikaanim na puwesto kung kinita sa 2014 ang pag-uusapan.

Ang tinaguriang “The Magician” dahil sa galing sa pool, ay kumabig ng $67,000 premyo base sa talaan ng AZBilliards.com.

Hindi pa naman batid kung nakasama na ang lahat ng kinita ng mga pool players sa mundo pero ang kinita ni Reyes ang pinakamalaki sa huling tatlong taon.

Noong 2010 ay nagkamal si Reyes ng $93,709.00 bago sumadsad noong 2011 sa $28,850.00. Umakyat kaunti noong 2012 ang premyong napanalunan ng bilyarista sa $31,825.00 pero ipinalagay na tapos na ang career noong 2013 nang kumabig ng mahinang $14,366.00.

Tatlong panalo ang na­itala ni Reyes sa taong ito at magarang pagtatapos ang kanyang inilista nang talunin ang kababayang si Demosthenes Pulpul sa 2nd Manny Pacquiao Cup Singles na nilahukan din ng mga mahuhusay na dayuhan sa General Santos City noong Disyembre 8 hanggang 11.

Halagang $13,000,00 ang premyong naiuwi ni Reyes.

Ang beteranong si Re-yes ang ikalawang Pinoy na nasa top ten sa talaan matapos ni Dennis Orcollo na nasa ikatlong puwesto bitbit ang $90,575.00 premyo.

Si Francisco Bustamante ang nasa ika-13 puntos sa $46,464.00.

BATA

DEMOSTHENES PULPUL

DENNIS ORCOLLO

DISYEMBRE

EFREN

GENERAL SANTOS CITY

MANNY PACQUIAO CUP SINGLES

REYES

SI FRANCISCO BUSTAMANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with