^

PSN Palaro

Watanabe isinalba ang Pinas sa Asian Jr. Judo Championships

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinalba ni Fil-Japanese Kiyomi Watanabe ang sana ay kawalan ng ginto ng national judo team na kumampanya sa 15th Asian Junior Judo Championships kamakailan sa Hong Kong.

Ang  judoka na ipinanganak sa Cebu City bago tumulak patungong Japan sa edad na walong taon ay nanalo kay Aigerim Abilkadirova ng Kazakhstan sa finals ng women’s -63-kilogram division upang magiging kauna-unahang manlalaro ng Pilipinas na nanalo ng ginto sa Asian-level juniors competition.

Walo lamang ang judokas na naglaban sa nasabing dibisyon at naipit ni Watanabe sa pagkakahiga si Abilka­dirova para makuha ang panalo at mahigitan ang bronze medal na napanalunan noong 2013 sa Hainan, China.

Nasa quarterfinals na agad ang mga naglaban at tinalo muna ng Myanmar SEA Games gold medalist na si Watanabe si Tursunpashasha Nurmetova ng Uzbekistan bago isinunod si Renu Kundu ng India sa semifinals.

Si Bianca Mae Estrella na kumampanya sa wo­men’s -78kg division at may anim na judoka na naglaban ay nalagay sa ikalimang puwesto nang natalo agad kay Lee Wan Tzu ng Chinese Taipei. Sa repechage ay bigo rin si Estrella kay Odkhand Davaadorj ng Mongolia.

Si Joshua Raphael Tan ang panlaban ng bansa sa men’s -90-kg pero sibak agad siya kay Temirlan Kolbay ng Kazakhstan.

Isinabay sa kompe­tisyon ang 8th Asian CADETS Judo Championships at sina Renzo Miguel Cazenas (-90kg) at Dither Tablan (+90kg) ay nalagay sa ikawalong puwesto.

Ang Phillippine Judo Federation (PJF) sa pa­ngunguna ng pangulong si Dave Carter ang naglahok sa delegasyong suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang judo ay isa na sa mga priority sports na puwedeng sandalan sa medalya sa 2015 Singapore SEA Games.

AIGERIM ABILKADIROVA

ANG PHILLIPPINE JUDO FEDERATION

ASIAN JUNIOR JUDO CHAMPIONSHIPS

CEBU CITY

CHINESE TAIPEI

DAVE CARTER

DITHER TABLAN

FIL-JAPANESE KIYOMI WATANABE

HONG KONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with