^

PSN Palaro

MVP, Benitez malaki ang naging bahagi sa pag-unlad ng Badminton sa 2014

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakamit ng Philippine Badminton Association (PBA), sa ilalim ng solidong suporta ni Manny V. Pangilinan at liderato ni Secretary-General Alfredo “Albee” Benitez, ang tagumpay sa pagpapaunlad ng badminton sa bansa matapos hawakan ang asosasyon apat na taon na ang nakakalipas.

Matapos ang pormal na paghirang bilang mga bagong opisyales noong 2011 kasama si PBA President Jejomar Binay, naitaas ng asosasyon ang antas ng badminton program.

Sa kanilang pagpupursige, inangkin ng PBA-Smash Pilipinas National Team, nasa ilalim ni Indonesian head coach Paulus Firman, ang 2014 Swiss Open men’s doubles gold medal mula sa panalo nina Peter Gabriel Magnaye at Paul Jefferson Vivas noong Oktubre sa Switzerland.

“The hard work of the players has been finally paid off. They harvested well the fruit of their labor this year,” sabi ni Benitez, ang Representative mula sa Negros Occidental.

“Winning the Swiss Open last October was PBA's biggest achievement in 2014 and I would like to thank all the players, coaches, staffs and fellow officers.”

Ang Philippine team ay pinamumunuan nina senior national team members Antonino Gadi at Joper Escueta, national junior standouts Ros Leenard Pedrosa at Sarah Joy Barredo at iba pa.

Bukod sa Swiss Open competition, sumabak din ang Philippine team at nakakuha ng international badminton experience sa mga overseas tournaments sa Australia, Sri Lanka at France ngayong taon.

Pinuri ni Benitez ang suporta ni telecommunication magnate Manny V. Pa­ngilinan sa pagdaraos ng Smart Badminton National Open at Sun Cellular-Ming Ramos National Juniors nationwide three-leg tournaments na nagpalakas sa programa ng PBA.

“We are very thankful to MVP, our PBA chairman, for sponsoring various competitive local badminton open tournaments this year that also gave away cash prizes to all winners," wika ni Benitez.

Inorganisa naman ni Benitez ang Bingo Bonanza National Badminton Open tournament at nagbigay ng cash incentives sa mga winners at runner ups sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ang lahat ng naturang torneo ay may basbas ng PBA at ng Philippine National Ranking System.

“We are looking forward to achieve something more or something bigger in 2015 for the Philippine team and badminton development,” dagdag ni Benitez.

“Our young players are getting better each day physically and mentally. They are continuously improving,” sabi pa ni Benitez.

Ang iba pang hangarin ng PBA ay ang magkaroon ng mga badminton Olympians para sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

ANG PHILIPPINE

ANTONINO GADI

BADMINTON

BENITEZ

BINGO BONANZA NATIONAL BADMINTON OPEN

JOPER ESCUETA

MANNY V

PBA

SWISS OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with