^

PSN Palaro

Camacho kumpiyansa sa Team Phl sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Base sa inisyal na pag­­pupulong sa mga Natio­nal Sports Associations (NSAs) na sasali sa Singapore SEA Games, kampante ang Chief de Mission na maabot ang target ng delegasyon.

“Our primary goal is to improve on  our last finish,” wika ni Julian Camacho, ang secretary general ng wushu at  at CDM  ng Pambansang koponan.

Nasa 402 medalya mula sa 36 sports ang pag­lalabanan sa Singapore at kailangang umabot sa 10 percent ang gintong mapanalunan ng mga ilalabang atleta.

Humigit-kumulang ay nasa 800 ang atletang ipinatala sa SEAG organi­zers para mabigyan ng accreditation.

Agad na iniwas ni Camacho ang pangamba na ito na ang magiging bil­ang ng delegasyon dahil sasalain pa ito para made­termina kung sino ang pupuwede.

Pero kung si Camacho ang tatanungin, pasado ang 500 atleta dahil ang bansa ay sasali sa 34 sa 36 events na paglalabanan.

Kasama rito ang mga team sports ng basketball (men/women), traditional boat race o dragonboat (men/women) at softball. May posibilidad ding makasama ang  volleyball depende sa problema sa liderato ng PVF.

Ang mga dapat na mag­-deliver ay ang mga ma­yayaman sa gintong me­dalya na athletics, swim­ming, shooting at gymnas­tics.

Kung makalima ang bawat sports na ito at ma­nalo rin ang Pilipinas sa dragonboat ay puwedeng lumaban sa top three ang ipadadalang delegasyon.

vuukle comment

CAMACHO

HUMIGIT

JULIAN CAMACHO

KASAMA

NATIO

PAMBANSANG

PERO

SHY

SPORTS ASSOCIATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with