^

PSN Palaro

Miss Universe

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kung wala lang kokontra, makikita natin si Manny Pacquiao sa susunod na Miss Universe beauty pageant.

Ayon kay Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, kinuha ng Miss Universe organizers ang ating Pambansang Kamao bilang isa sa mga judges nito.

Gaganapin ang susunod na Miss Universe sa Doral City sa Florida sa Jan. 25.

Sobra talaga ang kasikatan ni Pacquiao ngayon para kunin siyang judge sa pinaka-malaking beauty con­test sa buong mundo.

Sayang lang at hindi nakuha ng ating bansa ang hosting ng 2015 Miss Universe. Nagsubok tayo pero sa Doral City ito napunta.

Aabangan nating lahat ang susunod na Miss Universe hindi lang dahil sa ating contestant kundi dahil din kay Pacquiao.

Tiyak na enjoy si Pacquiao rito dahil once-in-a-lifetime chance ang maging isang judge sa Miss Universe.

Pangalawa, isang katerbang magagandang babae ang magma-martsa sa harap niya.

Aabangan natin ang question and answer portion kung saan magtatanong si Pacquiao sa isa sa mga finalists.

Maraming puwedeng itanong.

Hindi lang natin alam kung ano ang mailalagay sa isip ni Pacquiao.

Malamang ay mapunta sa relihiyon ang tanong niya.

Pero kung ako si Pacquiao, isang tanong lang ang dapat niyang ilatag kung sino man na contestant ang matoka sa kanya.

Ito ang tanong: Dapat bang matuloy ang laban ko kay Floyd Mayweather?

Siyempre in English.

At kung ako naman ang contestant ay isa lang ang tamang sagot sa tanong.

“Yes. The fight has to happen.”

And why?

“Because it’s what the whole world wants to see.”

AABANGAN

AYON

BOB ARUM

DORAL CITY

FLOYD MAYWEATHER

MISS UNIVERSE

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with