^

PSN Palaro

Blue Eaglets tinapos ang Bullpups

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatake ni Mike Nieto ang depensa ng nagdedepensang kampeon Natio­nal University Bullpups sa huling 2.5 segundo para bigyan ang Ateneo Blue Eaglets ng 66-64 panalo sa pagtatapos ng first round elimination sa 77th UAAP juniors basketball kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Tumapos ni Nieto tag­lay ang walong puntos sa mahinang 3-of-13 shooting pero naisantabi ito nang naisalpak ang pinakamahalagang buslo sa laro.

May 15 rebounds pa ang pambatong sentro bukod sa apat na assists habang sina Lorenzo Mendoza at Matthew Nieto ay mayroong 20 at 15 puntos para sa Eaglets na sinolo ang unang puwesto sa naitalang ikapitong sunod na panalo.

Ang pagkatalo ng NU ang tumapos sa anim na sunod na panalo sa season at pumutol din sa kanilang 22-game winning streak.

Inakala ng mga panatiko ng Bullpups na aabot sa overtime ang laro nang itinabla ni Philip Manalang ang iskor sa 64 pero bumigay ang depensa sa sumunod na tagpo para sa 6-1 baraha.

Sinungkit ng La Salle-Zobel Junior Archers ang ikalimang panalo matapos ang pitong laro gamit ang 55-50 panalo sa FEU Baby Tamaraws habang nai­­angat ng UST Tiger Cubs ang baraha sa 2-5 nang angkinin ang 77-65 panalo sa host University of the East Junior Warriors.

Bumaba ang FEU sa ikaapat na puwesto sa 4-3 karta habang lugmok sa huling puwesto ang UE sa 0-7 bahara. (AT)

ATENEO BLUE EAGLETS

BABY TAMARAWS

BLUE EAGLE GYM

LA SALLE-ZOBEL JUNIOR ARCHERS

LORENZO MENDOZA

MATTHEW NIETO

MIKE NIETO

PHILIP MANALANG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with