^

PSN Palaro

Grizzlies nalusutan ang Spurs sa 3-OT

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Nakabawi ang Memphis Grizzlies sa pagkawala ng malaking kalamangan para ilusot ang 117-116 triple-overtime panalo sa NBA kahapon.

Ito ang unang panalo ng Grizzlies sa AT&T Center mula ng walisin ang Spurs sa 2011 playoffs at si Marc Gasol ay mayroong 26 puntos para pamunuan ang koponan.

“It’s the biggest game for us because they’ve been beating us. The last time we won here was what, the playoffs, right”  It’s a long time. It felt good to get a win, to get that confidence,” wika ni Zach Randolph na may 21 puntos at 21 rebounds para sa ikaanim na diretsong panalo ng Memphis.

Tila matatalo uli ang Grizzlies sa regulation nang hawakan ng Spurs ang 92-89 kalamangan sa huling 2.5 segundo. Pero sinuwerte si Gasol na nakapasok ng pabandang tres para sa overtime.

Nagtabla ang dalawa sa 102 sa first overtime at nagkaroon na ng pagkakataon ang bisitang koponan na kunin ang panalo sa ikalawang overtime matapos ang triple ni Mike Conley para sa 111-109 bentahe, may 2.6 segundo sa orasan.

Ngunit pinuntahan ng Spurs si Tim Duncan at isinalpak ang fade-away jumper para mangailangan pa ng karagdagang limang minutong extension.

Si Duncan din ang inasahan sa huling play sa ikat­­long overtime pero sablay ang kanyang jumper sa pagkakataong ito.

Si Danny Green ay may 25 puntos habang si Duncan ay naghatid ng 23 puntos at 16 boards ngunit may 5-of-15 lamang sa free throw line.

 

DUNCAN

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

MIKE CONLEY

SI DANNY GREEN

SI DUNCAN

T CENTER

TIM DUNCAN

ZACH RANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with