^

PSN Palaro

Alaska reresbakan ang Rain or Shine sa semis series

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)

7 p.m. Rain or Shine vs Alaska

MANILA, Philippines – Tandang-tanda pa ni point guard JVee Casio ang nangyari sa laro ng Alaska at Rain or Shine sa Game Four sa kanilang best-of-five semifinals series ng nakaraang PBA Go­vernors’ Cup.

Sa huling minuto ng fi­­nal canto ay nadulas si Ca­­sio para sa isa sanang fast­break layup.

“Tapos na ‘yun. It’s a new conference now. We got to prepare hard kasi gusto naming manalo,” wika ni Casio, hindi na na­­­kalaro sa Game Five kung saan nanalo ang Elas­to Painters sa Aces sa overtime, 97-94.

Pipilitin ng Alaska na ma­kabangon mula sa na­turang bangungot sa pag­sagupa sa Rain or Shine sa semifinal round ng 2014-2015 PBA Philippine Cup.

Nakatakda ang Game One ng kanilang best-of-seven semifinals series nga­yong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang depensa ang tututukan ng Aces sa kanilang serye ng Elasto Painters.

“Siguro mas hihigpitan namin ‘yung depensa namin against Rain or Shine. Iyong limang nasa loob (ng court) walang bibitaw doon,” sabi ni small forward Calvin Abueva.

Maliban kina Abueva at Casio, aasahan rin ng Alaska sina Cyrus Baguio, Sonny Thoss, Vic Manuel at beteranong si Eric Menk.

Ipaparada namang muli ng Rain or Shine sina Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Araña, Beau Belga at JR Quiñahan.

Ang Elasto Painters ang unang koponang pu­mitas sa isa sa dalawang automatic semifinals berth matapos itala ang 9-2 record.

Hangad ng Rain or Shine ang kanilang ikatlong sunod na finals stint sa Philippine Cup.

Tinalo ng Elasto Pain­ters ang Aces, 98-95, sa ka­nilang unang pagkikita sa eliminasyon.

“Handang-handa na ka­mi,” sabi ni head coach Yeng Guiao sa matagal na pagkakabakante ng Rain or Shine na hindi na dumaan sa dalawang knockout stage ng quarter­finals kumpara sa Alaska ni American mentor Alex Compton.

“In fact we feel it’s given us a much needed rest to refresh us for the gruelling series ahead. It’s going to be an exciting series which can go seven games,” dag­dag pa ni Guiao.

Samantala, sisimulan na­man ng San Miguel, ang ikalawang kumuha ng outright semis ticket, at Talk ‘N Text ang kanilang semis showdown bukas ng alas-7 ng gabi sa MOA Arena.

Binigo ng Tropang Tex­­ters ang Ginebra Gin Kings, 83-67, sa ikalawang knockout phase ng quarterfinals para labanan ang Beermen sa semis.

ALEX COMPTON

ANG ELASTO PAINTERS

BEAU BELGA

CASIO

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with