Pondong P3.5-B ang kailangan para sa pagtatayo ng bagong training center sa Clark Field
MANILA, Philippines – May lupa na para pagtayuan ng makabagong training facilities sa Clark Field sa Pampanga.
Ang kulang na lamang ay pondo.
Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na kakailanganin nila ng pondong P3.5 bilyon para maisakatuparan ang naturang paglilipat ng mga atleta at training equipment mula sa maalamat nang Rizal Memorial Sports Center sa Vito Cruz, Malate hanggang sa Clark Field sa Pampanga.
“We need to raise P3.5 billion to construct these facilities in Clark Field,” sabi ni Garcia na nilinaw ring hindi nila ibinebenta ang RMSC. “We are not selling Rizal kasi ang madate or batas ng PSC is that we control, we manage Rizal Memorial. For as long as the PSC is there, it remains under the control of PSC.”
Idinagdag pa ng PSC chief na ibabalik lamang ng PSC ang pamamahala ng RMSC sa Lungsod ng Maynila kapalit ng P3.5 bilyon.
“Ibibigay namin ulit sa Manila ang paghawak ng Rizal in exchange for P3.5 billion. Hindi naman namin ibebenta, ibabalik lang namin sa may-ari,” ani Garcia.
Noong Lunes ay nagpulong ang House Committee on Youth and Sports na pinamumunuan nina Congressmen Anthony del Rosario at Yeng Guiao.
Sinabi ni Garcia na naging positibo ang pagtanggap ng House Committee sa kanilang presentasyon para sa paglilipat ng training center sa Clark Field.
Ayon sa PSC head, halos isang taon ang kakailanganin bago maipasa ang naturang panukala kasunod ang pagkakaroon ng pondo.
“The bill will take more than a year but in the absence of a bill, if this is approved by Congress, magkakaroon na ito ng budget which is the root of our problem that is why we can’t transfer immediately,” sabi ni Garcia.
Ang paglalagyan ng naturang bagong training center ay sa isang 50-ektaryang lupain na nasa pamamahala ng Clark Airport Authority.
Sinabi ni Garcia na hindi aabutin ng taon ang kanilang paglipat sa bagong training center sa Clark Field.
“These structures can be assemble. You can build a gym in less than 30 days. So madali lang gawin itong paglilipat,” ani Garcia.
- Latest