^

PSN Palaro

Casimero mas malakas sa nilalaruang flyweight class

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakikita ng promoter na si Sampson Lewkowicz na mas magiging malakas si da­ting International Bo­xing Federation (IBF) junior flyweight champion na si John Riel Casimero sa pi­naglalaruan ngayong fly­weight division.

Bumalik ng ring si Casi­mero noong Disyembre 13 sa Salon Las Palmas, Mon­terrey, Mexico at pina­tulog sa ikalawang round si Armando Santos para sa IBF flyweight title elimination.

“He looked unbelie­vably strong and powerful at the new weight and he will be impossible to beat when he is in the shape he was in tonight,” wika ni Lew­kowicz sa ipinakita ni Ca­simero.

Ang 24-anyos na tubong Cebu City boxer ay may 21 panalo matapos ng 23 laban at nakaba­ngon matapos mawala ang IBF light flyweight title noong Mayo 3, 2014 dahil hindi ni­ya nakuha ang tamang timbang sa laban kontra kay challenger Mauricio Fuentes ng Colombia na ginawa sa Cebu City.

Naibangon naman ni Casimero ang puri kahit pa­ano sa gabing iyon nang patulugin niya ang bisita sa 2:59 ng  unang round.

Dahil nakikitang wala na magiging problema sa timbang kaya’t ramdam ni Lewkowicz na makakatikim muli ng kampeonato si Ca­simero.

“At full flyweight, he can train and not starve and now we see he is as power­ful as ever. Maybe even more powerful,” dagdag ng promoter.

Ang Thai na si Amnat Ruenroeng ang siyang kampeon at idedepensa niya ang titulo sa Marso 7, 2015 laban sa Olympian na si Zou Shiming ng China.

Matapos ang labang ito ay saka dedesisyunan kung isasalang na sa isang title fight si Casimero.

AMNAT RUENROENG

ANG THAI

ARMANDO SANTOS

CASIMERO

CEBU CITY

INTERNATIONAL BO

JOHN RIEL CASIMERO

MAURICIO FUENTES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with