Tagum ang host ng 2015 Palaro
MANILA, Philippines – Mula sa kanilang kumpletong pasilidad, kinilala ang Tagum City, Davao Del Norte bilang host ng 2015 Palarong Pambansa.
Ito ang sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia matapos ang idinaos na pulong ng Department of Education (DepEd) noong Lunes.
Nakakolekta ang Tagum City ng 16 sa posibleng 18 boto para pamahalaan ang naturang annual multi-sport event.
Dinaig ng Tagum City ang mga probinsya ng Caraga, Dipolog City, Tubod at Zamboanga sa isinagawang bidding sa naturang sports meet para sa mga elementary at high school students.
“The facilities are ready any time. Kahit next week, ready na,” pahayag ni Garcia sa Tagum City na nangasiwa sa Batang Pinoy Mindanao qualifiers.
Ang kalidad ng tubig na gagamitin ng mga atleta para sa 2015 Palarong Pambansa ang dapat ayusin ng Tagum City.
“They promised to put deep wells kasi maliliit ang tubo doon,” ani Garcia sa host province.
- Latest