FEU Tams kampeon uli sa athletics
MANILA, Philippines - Nananatiling kampeon ang FEU Tamaraws sa men’s division pero naisuko ng Lady Tams ang kanilang kampeonato sa idinaos na 77th UAAP athletics na ginawa kamakailan sa Philsports Arena sa Pasig City.
Si Janry Ubas ang nagdala sa kampanya ng Tamaraws na nakalikom ng 479 puntos para sa kanilang ika-24th titulo. Ang La Salle Archers ang pumangalawa sa 228 puntos bago sumunod ang UST sa 226 puntos.
Apat na ginto ang naiuwi ni Ubas kasama ang mga bagong meet records sa long jump (7.29m) at decathlon (6,521 puntos). Ang iba pang mga gold medals ni Ubas ay sa larangan ng pole vault (4.30m) at triple jump (14.84m). May pilak pa siya sa high jump at javelin throw events.
Hindi naman nangyari ang double celebration sa FEU dahil nagwagi ang UST Tigresses sa women’s division sa nakolektang 478 puntos laban sa 377 ng dating kampeon.
Si Louielyn Pamatian ay nagkampeon sa 1500-m run at may dalawang bronze medals sa 400-m at 800-m run events para kilalanin bilang Rookie of the Year.
Ang host UE ang pumangatlo sa kababaihan sa 259 puntos at pinatingkad ang kanilang kampanya ng pagkapanalo ni Jenyrose Rosales ng MVP award.
- Latest