^

PSN Palaro

Chelsea kampeon sa U16 sa football festival

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinilalang kampeon ang Chelsea FC at Xavier sa idinaos na 1st Women In Sports Football Festival kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ang Chelsea FC ay pinamamahalaan ng mga Azkals players at magkapatid na sina Phil at James Younghusband bilang pangulo at bise pangulo at tinapos nila ang single-round robin competition bitbit ang 5-1 panalo-talo karta sa Under-16 division.

Magkapareho sila ng karta ng  Nomads FC nang  mauwi sa scoreless draw ang kanilang pagkikita pero ang Chelsea FC ang siyang kinilalang kampeon dahil sa  39 goal difference.

Bago ang scoreless draw, tinalo muna ng Chelsea FC ang mga koponan ng Mabuhay FC, 8-0, Gawad Kalinga Smokey Mountain, 9-0, Greyhounds FC, 8-0, Gawad Kalinga Sipag, 9-0, at Atletico Diliman 5-0.

Sa kabilang banda, nagkaroon ng kabuuang 27 goals ang  naiskor ng Nomads sa mga nasabing katunggali  pero nagbigay din sila ng isang goal sa Atletico (1-3) para magkaroon ng opisyal na 26 goal difference.

Pinagningning ni Alisha Del Carpo ang kampanya ng Chelsea nang kilalanin bilang Best Striker (19 goals) at MVP ng torneong inorganisa ng  Philippine Sports Commission (PSC) Women in Sports commissioner Akiko Thompson-Guevarra at sinimulan noong Sabado.

May basbas ang kompetisyon ng Philippine Football Federation (PFF) na ninanais na maging regular ang palaro sa 2015 para sa mga kabataan.

AKIKO THOMPSON-GUEVARRA

ALISHA DEL CARPO

ANG CHELSEA

ATLETICO DILIMAN

BEST STRIKER

CHELSEA

GAWAD KALINGA SIPAG

GAWAD KALINGA SMOKEY MOUNTAIN

JAMES YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with