Janario, Lenton humablot ng tig-5 ginto
MANILA, Philippines – Ipinakita nina Karen Janario at Feiza Jane Lenton ang determinasyon ng mga taga-Tacloban nang kilalanin sila bilang five-gold medalists sa athletics ng 2014 Batang Pinoy National Finals na natapos kahapon sa Panaad Sports Complex sa Bacolod City.
Naduplika ni Janario ang ginawa noong 2013 edisyon nang hirangin bilang sprint queen matapos ang panalo sa 100m (12.53) at 200m run (25.6) bukod sa 100m hurdles (14.80) sa individual events, sa 4x100m at 4x400m relay teams kasama rin si Lenton sa 4x100m at 4x400m relay teams na kampeon sa events na ito.
Nanguna rin ang 15-anyos at graduating student ng Leyte Sports Academy na si Lenton sa 400m run (59.1), 800m run (2:19) at 3000m run (10:56.7).
Ito ang unang pagkakataon na nakuha ni Lenton ang ginto sa 400m at 800m run at malaki rin ang naitulong ng ibinigay na training sa kanya sa Qatar noong Setyembre gamit ang Olympic Solidarity Program ng International Olympic Committee.
Ang iba pang kuminang sa athletics ay sina Gianeli Gatinga ng Taguig City na nanalo ng gold sa girls long jump at triple jump (11.64m) at James Galima ng Candon City sa 5000m run at nagdomina sa 1,500m race (4:27.40).
- Latest