Azkals maraming natutunan sa kampanya sa AFF Suzuki Cup
MANILA, Philippines - Tanggap ni German-American Azkals coach Thomas Dooley ang nangyari sa kampanya ng Azkals sa 2014 AFF Suzuki Cup.
Lumasap ng 3-0 shutout pagkatalo ang Pambansang koponan sa home game ng Thailand noong Miyerkules ng gabi para mamaalam na sa kompetisyon.
“Overall I am happy with the way we played and the results we had in the tournament,” wika ni Dooley sa tournament website.
Tinuran niya na ang 4-0 panalo sa Indonesia sa Group Stages ng kompetisyon at ang 0-0 scoreless draw sa home game ng Azkals laban sa Thais sa semifinals ay mga makasaysayang marka sa Pilipinas na puwedeng ipantabon sa kabiguang umabante sa championship round ng AFF Championship sa ikatlong sunod na pagkakataon.
Ang panalo sa Indonesia ay tumapos sa 80 taon na hindi nananalo ang nationals habang ang scoreless draw sa Thais ang pumigil sa 14-game losing streak ng bansa laban sa War Elephants.
Tinuran pa ni Dooley na natuto rin ang Azkals na maglaro bilang isang koponan lalo pa’t siya ay pumasok sa team noong Marso lamang.
“After 80 years we won against Indonesia--it was an outstanding result and maybe the best game we played this year. And then we played Thailand at home and came away with a 0-0 draw. I can say we can go back home with our head held high,”dagdag ni Thomas.
Pansamantalang magpapahinga ang koponan pero agad ding babalik sa pagsasanay para paghandaan ang 2018 FiFA World Cup qualifiers sa papasok na taon.
“Great showing, @PHI_Azkals! Thanks for the heart & passion. This will only help you get even better,” tweet ni Azkals manager Dan Palami.
- Latest