Tatapusin agad ng Bolts, Aces
Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. NLEX vs Alaska
7 p.m. Meralco
vs Purefoods
MANILA, Philippines - Tangan ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, isang panalo lamang ang kailangan ng Aces at Bolts para makapasok sa crossover knockout phase.
Lalabanan ng No. 3 Alaska ang No. 10 NLEX ngayong alas-4:15 ng hapon, habang makakatapat ng No. 6 Meralco ang No. 7 Purefoods sa alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Inangkin ng No. 1 San Miguel at No. 2 Rain or Shine ang dalawang outright semifinals berth mula sa magkatulad nilang 9-2 record.
Lalo pang nagpalakas ang San Miguel matapos muling kunin si veteran point guard Alex Cabagnot mula sa Globalport kapalit ni Sol Mercado sa isang trade na inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud.
Maliban kay Mercado, ibibigay rin ng Beermen sa Batang Pier ang kanilang 2018 and 2019 second round picks.
Ibinasura ni Salud ang pagdadala sana ng Barako Bull kay guard Denok Miranda sa San Miguel para kay Mercado.
Samantala, kung hindi siya magkakaroon ng injury na magpapaupo sa kanya sa bench ay sigurado nang makakamit ni San Miguel center June Mar Fajardo ang kanyang ikalawang sunod na Best Player of Conference.
Nanguna ang 6-foot-11 Cebuano cager sa scoring at shotblocks sa kanyang mga averages na 18.5 points at 2.27 blocks per game.
Ang mga kaagaw ni Fajardo sa BPC award ay sina Alaska Milk forward Calvin Abueva, 2013-14 Rookie of the Year awardee Greg Slaughter ng Ginebra at NLEX slotman Asi Taulava.
- Latest