^

PSN Palaro

Triple-header sa D-League kinansela dahil kay ‘Ruby’

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela ni PBA Commissioner Chito Salud ang triple-header game sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos dapat ang Bread Story-LPU Pirates at Cebuana Lhuillier Gems sa ganap na ika-12 ng tanghali bago sundan ng pagkikita ng Hapee Fresh Fighters at Café France Bakers sa alas-2 at Cagayan Valley Rising Sun at Racal Motors Alibaba sa alas-4 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Inaasahang parating ka­hapon ang bagyong ‘Ruby’ at dala ang mala­lakas na pag-ulan at hangin upang malagay sa peligro ng mga manlalaro, opis­yales at mga manonood ng liga para magdesisyon si Salud na ipagpaliban ito.

Ang bagong iskedul sa tatlong nabanggit na laro ay ipapaalam ng liga sa mga susunod na araw.

Ang D-League ang ikatlong sports event na naapektuhan dahil sa bagyo.

Naunang kinansela ng PBA ang laro sa Dipolog C­ity noong Sabado sa pa­gitan ng Purefoods at Barako Bull habang noong Linggo ay nagdesisyon ang organizers ng National Milo Marathon na huwag ituloy ang karera sa Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Magbabalik ang aksyon sa Huwebes sa Ynares Sports Arena at ang unang laro ay sa panig ng MP Hotel Warriors at Tanduay Light Rhum Masters sa ganap na alas-10 ng umaga bago halinhinan ng Hapee Fresh Fighters at Wangs Basketball sa alas-12 ng tanghali at MJM M-Builders at Café France Bakers sa alas-2  ng hapon.

 

ANG D-LEAGUE

BARAKO BULL

BREAD STORY

CAGAYAN VALLEY RISING SUN

FRANCE BAKERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with