^

PSN Palaro

Magnaye, Vivas preparado na para sa P1.5-M Bingo Bonanza

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghahanda sina Swiss International champions Peter Magnaye at Paul Vivas sa matinding labanan sa men’s doubles ng P1.5 million Bingo Bonanza na magsi­simula sa Huwebes sa Rizal Memorial Badminton Center.

Sina Magnaye at Vivas ang siyang inilagay bilang pa­borito sa event pero mapapalaban sila dahil ang ibang kalahok ay binubuo rin ng matitinding manlalaro na may kakayahang manalo ng titulo at ang unang gantimpalang P120,000.00.

Ilan sa mga kasali na puwedeng makasilat ay sina Ronel Estanislao-Joper Escueta, Aris delos Santos, Al­vin Morada, Carlos Cayanan-Paul Pantig, Gerald Gon­zales at Prince Monterubio at Vincent Manuel at Ra­phael Deato.

Bukas din ang tagisan sa kababaihan at si Jessie Fran­cisco ay katambal si Eleanor Inlayo; si Kristelle Sa­latan ay makikisanib-puwersa kay Aires Montilla; si Alyssa Leonardo ay kapareha si Thea Pomar at sina Joella De Vera at Patricia Barredo ang magkasama.

Nangunguna naman sa mixed doubles sina Vivas at Inlayo.

Si Mark Alcala naman ang itinuturo para maging pa­borito sa men’s singles, habang ang mga junior players na sina Sarah Joy Barredo at Airah Mae Nicole Albo ang mangunguna sa women’s division.

Samantala, ang team managers, coaches at pla­yers meeting ay gagawin ngayon sa Rizal Memorial Bad­minton Center.

Ang torneo ay suportado ng Bingo Bonanza at may basbas ng Philippine Badminton Association sa pangu­nguna ng pangulong si Vice President Jejomar Binay at sec-gen Rep. Albee Benitez.

Ang palaro ay inorganisa ng EventKing Corp. at ang iba pang detalye ay puwedeng malaman sa website na www.bingob.com/nationalopentournament o di kaya ay mag-emale sa EKC gamit ang [email protected].

 

vuukle comment

AIRAH MAE NICOLE ALBO

AIRES MONTILLA

ALBEE BENITEZ

ALYSSA LEONARDO

BINGO BONANZA

CARLOS CAYANAN-PAUL PANTIG

ELEANOR INLAYO

GERALD GON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with