Pacquiao muling minaliit ng trainer ni Mayweather
MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay nawawala na ang lakas ni Manny Pacquiao.
Ito ang obserbasyon ni Jeff Mayweather, uncle/trainer ni Floyd Mayweather, Jr., kaugnay sa mga nakaraang laban ni Pacquiao kina Brandon ‘Bam Bam’ Rios, Timothy Bradley, Jr. at Chris Algieri.
“His punching power is gone now. It’s gone and of course nobody is stupid as to why it’s gone,” ani Jeff Mayweather.
Bagama’t anim na beses niyang napatumba si 5-foot-10 American challenger Algieri noong Nobyembre 23 ay nabigo pa rin si Manny na makapagtala ng knockout win.
Noong 2009 pa huling nakapagtala ng knockout victory ang 35-anyos na si Pacquiao matapos pasukuin si Miguel Cotto sa 12th round noong Nobyembre 14 para sa World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ng Puerto Rican.
Kung maitatakda man ang super fight nina Mayweather, Jr. at Pacquiao sa susunod na taon ay walang pag-asa si ‘Pacman’ na manalo.
“Manny has zero chance against Floyd now. And he’s been hitting guys, so it’s not like people slipping and sliding his punches,” wika ni Jeff Mayweather kay Pacquiao.
Hanggang ngayon ay wala pa ring pormal na nangyayaring negosasyon para sa mega bout ng 35-anyos na si Pacquiao at ng 37-anyos na si Mayweather, Jr. (RCadayona)
- Latest