^

PSN Palaro

ABAP sa national boxers: ‘Hinay-hinay lang sa pagkain’

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng pamunuan ng ABAP ang Pambansang boksingero na maghinay-hinay sa pagselebra ng Ka­paskuhan at Bagong Taon lalo pa’t naghahanda ang bansa sa pagsali sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Hindi tulad ng dati na ginagawa ang SEAG sa huling quarter ng taon, ang Singa­pore ay nagdesisyon  na gawin ito sa Hunyo.

Bakasyon  na ang national boxing team at babalik sila sa pagsasanay sa Enero 5.

“Naghahanda tayo sa  SEAG at bawal ang bumalik na overweight,” ani ABAP executive director Ed Picson sa mga natio­nal boxers sa isinagawang Christmas party noong Huwebes ng gabi sa PSC Athletes Hall.

Si secretary-general Patrick Gregorio ay nakiisa rin at kinatawan ang pangulong si Ricky Vargas na may ibang pinagkaabalahan. Pero nangako si Vargas na haharapin ang mga national boxers sa kanilang pag­babalik sa Enero sa pamamagitan ng isang salu-salo.

Lahat ng mga national boxers at coa­ches ay tumanggap ng cash gifts na ibinigay ni Vargas at ABAP chairman Manny V. Pangilinan.

Naging produktibo ang boxing sa idinaos na Asian games sa Incheon, Korea kung saan nag-uwi  ng isang silver si Charly Sua­rez at tatlong bronze medal  sina  Mark Antho­ny Barriga, Mario Fernandez at Wilfredo Lopez  bukod pa ang silver ni Nesthy Petecio sa AIBA World Women’s Championships na ginawa sa Jeju Island sa Korea.

 

ATHLETES HALL

BAGONG TAON

CHARLY SUA

ED PICSON

ENERO

JEJU ISLAND

MANNY V

MARIO FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with