^

PSN Palaro

Pinas paborito sa World Memory Game

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasali uli ang Pilipinas sa 23rd World Memory Championship sa Hainan, China mula Disyembre 11 hanggang 13.

Ang Philippine Mind Sports Organization (PMSO) ang magpapadala ng de­le­gasyon at bubuuin ito nina Grandmaster of Memory (GMM) Mark Anthony Castañeda, GMM Erwin Balines, Axelyancy Tabernilla, Jamyla Lambunao at Anne Bernadette Bonita.

Tutulong sa gastusin ng de­legasyon ang New San Jose Builders Inc., Geo­tech­nics Philippines Inc., E.M. Cuerpo Inc. at Destiny Paints.

Gaya ng sa huling tatlong taon, itinuturing na isa sa paboritong koponan dito ang Pilipinas lalo pa’t nagtapos ito sa pangatlong puwesto noong 2012 at pumang-apat naman noong isang taon sa likod ng Germany, Sweden at Mongolia.

Noong isang taon, nakapag-uwi ang koponan ng 11 medalya sa pangunguna ni Lambunao na nakapagtala ng dalawang world records sa Kids Division.

Ang child proté­gé ng St. Scholastica Aca­demy Marikina ay na­ka­pagmemor­ya ng 151 random words sa loob ng 15 minuto at 206 random numbers sa loob ng limang minuto para makopo ang pandaigdigang marka.

 

vuukle comment

ANG PHILIPPINE MIND SPORTS ORGANIZATION

ANNE BERNADETTE BONITA

AXELYANCY TABERNILLA

CUERPO INC

DESTINY PAINTS

ERWIN BALINES

GRANDMASTER OF MEMORY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with