^

PSN Palaro

Energy sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglaro nang malaki ang mga bulinggit na sina RR Garcia at Chico Lanete sa fourth quarter para ibigay sa Energy ang isa sa walong quarterfinals berth.

Umiskor si Garcia ng 22 points, kasama rito ang 3-of-5 shooting sa three-point range, habang nagdagdag si Lanete ng 13 markers para igiya ang Barako Bull sa 92-87 panalo laban sa NLEX Road Warriors sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang ikalawang su­nod na arangkada ng E­ner­gy para tumiyak ng tiket sa quarterfinals, habang posible pang makaagawan ng Road Warriors ang Kia Sorento sa ika-10 at huling quarterfinals slot.

Kinuha ng Barako Bull ang 49-41 abante sa 10:00 minuto ng third period bago agawin ng NLEX, nalasap ang kanilang pangatlong sunod na kabiguan, ang nasabing yugto sa 66-62.

Nagtuwang sina Garcia, Lanete at Willy Wilson para muling ibigay sa Ener­gy ang kalamangan sa 88-81 sa 20.1 segundo ng fourth quarter.

Huling nakalapit ang Road Warriors sa 87-90 agwat mula sa 3-point play ni Mac Cardona kay Dorian Peña sa natitirang 12.7 segundo,

Magkasalo ang Alaska at ang San Miguel sa lide­rato sa kanilang magkatulad na 8-1 rekord kasunod  ang Rain or Shine (7-2), Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang Purefoods (5-4), Ginebra (5-4), Globalport (5-5), Meralco (4-5), Barako Bull (4-6), NLEX (3-7), Kia (1-8) at sibak nang Blackwater (0-10).

Barako Bull 92 – Garcia 22, Lanete 13, Wilson 13, Pennisi 12, Intal 10, Marcelo 7, Pascual 6, Lastimosa 5, Miranda 4, Peña 0, Salvador 0, Paredes 0.

NLEX 87 – Caradona 23, Taulava 17, Borboran 9, Ramos 9, R. Villanueva 8, J. Villanueva 6, Canaleta 4, H. Arboleda 3, Lingganay 2, Baloria 2, Apinan 1, Raymundo 0, W. Arboleda 0. Quarterscores: 18-18; 41-39; 62-66; 92-87.

ARBOLEDA

BARAKO BULL

CHICO LANETE

DORIAN PE

GARCIA

KIA SORENTO

MAC CARDONA

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with