^

PSN Palaro

Giants kinapos sa Alibaba

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas naging handa ang mga manlalaro ng Racal Motors Alibaba para pa­bagsakin ang malakas na Jumbo Plastic Giants, 77-66, sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Binawi ni Jeff Viernes ang kawalan ng puntos sa first half nang tumapos ng 19 marka at siya ang nagpasiklab sa 31-17 palitan sa ikatlong yugto para kunin na ang ka­lamangan sa laro.

“For this game, the boys responded well,” wika ni Ali­baba coach Caloy Garcia.

May 13 puntos, kasama ang dalawang matitin­ding triples, si Viernes upang ang 27-33 iskor sa halftime ay palakihin sa 58-50 bentahe ng koponan.

Sina Jason Ibay at Ja­mil  Ortuoste ay naghatid pa ng 16 at 10 puntos para sa Alibaba na nagkaroon ng disenteng 45% shooting (28-of-62), kasama ang sampung 3-pointers.

Sa kabilang banda, ang Giants na bumaba sa 4-2 marka, ay nagtala lamang ng 34% (24-of-70), kasama ang 5-of-23 shooting sa 3-point area. May 23 turnovers pa ang koponan na bumaba sa ikaapat na puwesto.

Kinuha ng AMA Univer­sity Titans ang kanilang ikalawang sunod na panalo at pantay na 3-3 baraha sa 97-89 tagumpay laban sa Bread Story-LPU Pirates.

Sina Joseph Eriobu, Philip Paniamogan at Jay-R Taganas ang mga nagtrabaho nang husto para panatilihin ang kapit sa ikaanim na puwesto sa liga.

May 19 puntos si Erio­bu, si Paniamogan ay may 17, kasama ang apat na puntos sa huling isang minuto ng labanan para bigyan ang Titans ng 95-88 kalamangan.

Puwersa pa rin sa ilalim si Taganas sa kanyang 15 puntos at 18 boards upang itulak pababa ang Pirates sa 2-4 marka.

 

BREAD STORY

CALOY GARCIA

D-LEAGUE ASPIRANTS

JAY-R TAGANAS

JEFF VIERNES

JUMBO PLASTIC GIANTS

PHILIP PANIAMOGAN

QUEZON CITY

RACAL MOTORS ALIBABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with