^

PSN Palaro

Gadi, Alcala babandera sa B Bonanza National Open

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babanderahan ni ma­ny-time Open champion Toby  Gadi at ng sumisikat na si  Mark Alcala ang mga kalahok sa P1.5 million Bingo Bonanza National Open badminton tournament na hahataw sa Dec. 11 sa Rizal Memorial Badminton Center.

Hangad ni Gadi, dino­mina ang nakaraang dalawang ranking badminton circuit ng Philippine Badminton Association, ang korona sa torneong nag­lalatag ng ranking points bukod pa sa P120,000 purse sa men’s singles.

Makakasabayan niya ang 15-anyos na si Alcala, nanggaling sa disenteng kampanya sa nakaraang Singapore Youth International kung saan niya ginitla ang mga top players sa rehiyon.

Kasalukuyan nang isi­na­sagawa ang pagpaparehistro sa torneong may entry fee na P800.

Para sa detalye at online listup, bisitahin ang www.bingob.com/natio­nalopentournament o mag-email sa EKC [email protected].

Ang listahan ng mga players ay ipoposte sa Dec. 1 at ang draw ay nakatakda sa Dec. 5, ayon sa nag-oorganisang EventKing Corp.

Ang iskedyul ng mga laro ay ipoposte sa Dec. 7 at ang pulong ng mga team managers, coaches at players ay sa Dec. 9 sa Rizal Memorial Badminton Center.

Ang iba pang events sa torneong itinatagu­yod ng Bingo Bonanza at may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan nina Vice President Jejomar Binay at sec-gen Rep. Albee Benitez,  ang ladies singles, men’s at ladies doubles at mixed doubles, ayon kay tournament director Nelson Asuncion.

ALBEE BENITEZ

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA NATIONAL OPEN

MARK ALCALA

NELSON ASUNCION

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

RIZAL MEMORIAL BADMINTON CENTER

SHY

SINGAPORE YOUTH INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with